Cynthia Villar (Photo: GMA News TV) |
Cynthia Villar: "Maraming salamat, Mareng Winnie. I want to explain that situation to you. Hindi naman ganoon ang istorya noon. Ang nangyari noon, binigyan nila ng permit yung mga schools to open, ng CHED... Tapos gusto nila ipasara, nakapag-invest na yung mga may-ari ng schools sa mga kanilang facilities. And then, sinasabi nila na kaya daw nila gustong ipasara dahil walang tertiary hospital, kasi sa mga nursing school to, na where they can train. Ang sinasabi namin noon, hindi naman po kami kumokontra sa CHED, ang sinasabi namin, kasi tinignan namin 'yung syllabus, yung mga courses na kunin nila, and then nakita namin na after lang sa third year kailangan nila yung tertiary hospital so ni-request namin na hindi nalang ipasara yung pre-nursing, 'yung first two years..."
Winnie Monsod: "Follow-up question nalang po ano, ha? Ay kung ganoon pala ang istorya, bakit bumaba pa ang mga nurses na-employ sa abroad, kasi hindi sila qualified? In other words, if it's only a matter of investment, bakit po hindi sila ma-employ employ? At bakit po nag-resign ang technichal nursing education committee, at tsaka nag-resign after only 7 months in office? Do you think they just did not understand?"
Cynthia Villar: "No, yung pag-reresign po ni [Fr. Rolando V De la Rosa] is a personal quarrel with the owner of a school. Medyo personal po yun. Pero yung amin po, ay sinasabi po namin sa kanila na actually, hindi naman kailangan ang nurse ay matapos ng BSN kasi itong ating mga nurses, gusto lang nila maging Room Nurse. Sa America or sa other countries, ano lang sila, 'yung parang mang-aalaga. Hindi naman sila kailangan ganoon kagaling kasi sa ibang country..."
0 comments:
Post a Comment